William H. Seward
Si William Henry Seward (Mayo 16, 1801–Oktubre 10, 1872) ay isang politikong Amerikano. Siya ang ika-12 Gobernador ng New York, at pagdaka ay naging isang Senador ng Estados Unidos. Naging Sekretaryo ng Estado ng Estados Unidos para sa dalawang pangulo ng Estados Unidos, na sina Abraham Lincoln at Andrew Johnson. Laban siya sa pang-aalipin. Isa siyang mahalagang tao sa Partidong Republikano ng Estados Unidos noong nagsisimula pa lamang ito. Maraming mga tao ang nag-akala na inonomina siya ng Partidong Republikano upang tumakbo bilang Pangulo ng Estados Unidos noong 1860, ngunit hindi ito nangyari.
Sa gabi nang napatay si Pangulong Abraham Lincoln sa pamamagitan ng asasinasyon, mayroong ding tao na nagtangkang patayin si Seward. Sa natitirang bahagi ng kaniyang buhay, nagtaglay si Seward ng mga pilat dahil sa pag-atakeng iyon. Sa lumaon, ang lalaking lumusob sa kaniya ay nahuli at napatawan ng parusang kamatayan.
Nang si Seward ay nanunungkulan bilang Sekretaryo ng Estado sa ilalim ni Pangulong Abraham Lincoln, siya ang naging responsable sa pag-aayos upang bilhin ng Estados Unidos ang Alaska mula sa Rusya.[1] Pinagtawanan siya ng mga tao dahil dito. Tinawag ito ng mga tao bilang "Seward's Folly" o "Kahangalan ni Seward". Nang tanungin si Seward kung ano ang iniisip niya bilang pinakamahalagang bagay na nagawa niya bilang Sekretaryo ng Estado, sinabi ni Seward na iyon ay ang pagkakabili ng Estados Unidos ng Alaska—subalit aabutin ang mga tao ng isang salinlahi upang maunawaan ito.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
- ↑ "Alaska's History and Value". The New York Times. 20 Setyembre 1886.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)